Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyo ngayong Sabado ng gabi o Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Atmosphe­ric Geophysical Astrono­mical Services Admi­nistration (PAGASA).

Halos nasa boun­dary na ng PAR ang bagyong may international name na Manyi na tatawaging bagyong Tomas kapag nakapasok na ng bansa.

Gayunma’y hindi umano magla-landfall si Tomas na posibleng mag-recurve at tulu­yang lumabas sa Northeast border.

Ayon sa PAGASA, ito ay nasa kategoryang tropical storm na, huli itong namataan sa la­yong 1,255 km East ng Southern Luzon taglay ang lakas ng hangin na 145 kph at bugso na 180kph na kumikilos sa bilis na 25kph, dala ng tuyo at malamig na ha­ngin sa Northeast ay hihina umano ang bagyo pagpasok ng PAR.

Ang dating bag­yong Samuel ay nasa labas na ng PAR at tinutumbok ang southern Vietnam.

Dahil sa hanging Amihan, mararanasan ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Ilocos Norte at Apayao.