Bagyong Usman pumasok na sa PAR

Nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang tropical depression na pinangalanang Usman na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Huling namataan ang bagyo sa layong 955 kilometro sa silangan ng Hintuan, Surigao del Sur.

May lakas ito ng hanging aabot sa 45 kilometer per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 60 kph.

Patungo ang bagyo sa direksiyong hilagang-kanluran sa bilis na 20 kph.
Asahan ang pag-ulan sa lalawigan ng Samar bago nito tahakin ang direksyon papunta sa rehiyon ng Bicol. Dahil rin sa bagyo, magiging maulan sa malaking bahagi ng Luzon hanggang Sabado.