Humina na ang ­mino-monitor na tropical depression ng Phi­lippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na papangalanan sanang Vinta kapag nakapasok ng PAR.

Sa latest monitoring ng ahensya ay isa na lamang itong low pressure area (LPA) na huling namataan sa 1,630 kilometers east ng Mindanao.

Bagama’t humina ang nasabing tropical depression ay inabisuhan pa rin ng PAGASA ang publiko na i-moni­tor ang galaw ng LPA.

Ayon sa PAGASA, nakararanas naman ng malakas na pag-ulan sa Calabarzon, Bicol, Aurora, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Marinduque at Romblon dahil sa cold front at ito rin umano ang siyang nagpapaulan sa Metro Manila.