Bahagi ng nawawalang chopper natagpuan sa Quezon

Nakita na ang bahagi ng helicopter galing Norzagaray, Bulacan na magsasakay sana sa ­rescue team ng mga nasawing minero sa Quezon, ayon sa isang ulat kamakalawa.

Ayon kay Philippine Air Force spokesman Col. Araus Robert Musico, natagpuan ang ­buntot ng chopper bandang alas-4:15 ng hapon noong Martes sa isinagawang aerial survey sa Barangay Umiray, Gen. Nakar.

Gayunman, hindi pa makumpirma ng aerial search team kung buhay pa ang piloto at assistant nito dahil sa delikado ang pinagkakalagyan nito.

“As to other activities, they didn’t see an activity there. They just saw the tail boom, they couldn’t see the entire aircraft because it’s in a vegetated area,” pahayag ni Musico.