Nagliyab ang isang bahay sa Brgy. Bagong Silang, Caloocan City dahil sa naiwan umanong naka-charge na electronic cigarette.

Sa inisyal na ulat ay nagsimuĀ­la umano ang apoy malapit sa saksakan ng kuryente kung saan isang e-cigarette na naka-charge ang sinasabing nalingatan.

Masuwerte namang nagising agad ang may-ari ng dalawang palapag na bahay dahil sa naamoy na usok kaya walang naitalang nasugatan o nasawi.

Ganap na ala-una ng madaling-araw nang tuluyang maapula ang apoy.