Bahay ng 9 pamilya sa Tondo, tinangay ng agos

Bahay ng 9 pamilya sa Tondo, tinangay ng agos

Umabot sa may 23 pamilya o 74 indibidwal ang inilikas ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) kung saan siyam sa pamilya dito ay nawalan ng bahay sa kasagsagan ng moonsoon rain kahapon nang umaga sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.

Ang mga evacuee ay dinala ng MDRRMO sa Delpan evacua­tion center para pansamantalang maging kanlungan ng mga bakwet.

Nabatid na sa naturang bilang ng mga inilikas, 9 na pamilya ang na-homeless matapos na wasakin ng tumaas na tubig at tinangay ng agos ang kanilang bahay.

Kasabay nito, inatasan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso ang MDRRMO na tutukan ang mga bahay na nakatayo sa coastal area.

Binigyan din ng direktiba ni Moreno ang Manila Department of Social Welfare (MDSW) na bigyan ng kaukulang tulong ang mga apektadong pamilya. (Juliet de Loza-Cudia)