Iniimbestigahan ngayon ng pulisya ang insidente ng panloloob sa bahay ng aktor na si Baron Geisler sa Angeles, Pampanga.

Base sa report ng Angeles City Police, noong Hun­yo 8 pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ni Geisler kung saan tinangay ang anim na relos at mga may sentimental value na kagamitan nito.

Napag-alaman na wala sa nasabing bahay ang aktor at nasa Maynila ito para sa isang meeting nang maganap ang pagnanakaw.

Nadiskubre lamang na nilooban ang bahay nang mapansin ng mga kapitbahay, bandang alas-sais ng umaga, ang bukas na gate at pintuan na agad namang ipinaalam sa kapatid ng aktor.