Bahay ng isang pamilya niratrat, 2 menor de edad, patay

Bukod dito, inatasan din ng hukuman si Jugueta na magba­yad ng kaukulang danyos sa naiwang pamilya ng mga napatay na magkapatid na nagkakahalaga ng kabuuang halagang P100,000 at panibagong danyos na P16,150 bukod pa sa kabayaran sa tinakbo ng paglilitis.

Sa kaso namang Multiple Attempted Murder, pinatawan ng hukuman si Jugueta ng apat na bilang ng pagkabilanggo ng hindi hihigit sa walong taon at pagbabayad ng kaukulang halaga sa buong panahong itinakbo ng usapin.

Sa paniniwalang hindi makatarungan ang ibinabang hatol laban sa kanya ng mababang hukuman, ipinasiya ni Jugueta na umapela sa Court of Appeals (CA) sa pag-asang ma­baligtad ang ipinataw na parusa laban sa kanya.

Muling iprinisinta ng kampo ni Jugueta ang kanilang mga argumento at testigo sa sala nina Associate Justices Jane Aurora Lantion, Isaias Dicdican at Rodil Zalameda na silang nagrebisang muli sa takbo ng usapin.

Sa kabila ng mga iprinisintang argumento ng kampo ni Jugueta, nabigo silang makumbinsi ang mga mahistrado ng appellate court na mabaligtad ang ipinataw na parusa ng mababang hukuman bunga ng kawalan ng matibay na ebidensiyang magpapatunay na hindi sangkot sa nangyaring pagpatay ang akusado.

Noong Enero 30, 2012, nagbaba ng hatol ang CA na kumakatig sa unang naging desisyon ng Gumaca, Quezon RTC na nagpapataw ng dalawang bilang na kasong Double Murder at apat na bilang ng kasong Multiple Attemp­ted Murder laban kay Jugueta.

Kinatigan din ng mga mahistrado ang unang ipinataw na parusang dalawang bilang ng reclusion perpetua laban kay Jugueta pati na ang pagbabayad niya ng danyos sa naiwang pamilya ng dalawang batang napaslang.

Sa kaso namang Multiple Attempted Murder, wala ring binago ang mga mahistrado ng CA sa unang ipinataw na parusa laban kay Jugueta, pati na rin ang kinakailangan ni­yang bayarang halaga sa takbo ng usapin.