EDISON REYES

Gayunman, nang maghain ng kanyang “not guilty plea” si Jugueta matapos basahan ng demanda sa mababang hukuman, nangangahulugan ito na inalisan na niya ng karapatan ang kanyang sarili na kuwestiyunin sa pamamagitan ng paghahain ng mosyon ang kamalian sa paghahain ng mga kaso laban sa kanya.

Dahil sa hindi kaagad nagsumite ng kanyang pagtutol at hiling na pagbasura sa kaso bunga ng maling impormasyong inihain ng tagausig, may kapangyarihan na ang hukuman na patawan siya ng parusa na katumbas ng dami ng kanyang nagawang pagkakasala.

Malinaw din sa pananaw ng Korte Suprema na hindi lamang si Jugueta ang may kagagawan sa pagkamatay ng mga menor-de-edad na anak ni Norberto kundi naging kasabwat niya rito sina San Miguel at Estores.

Sa tingin ng mga mahistrado, salungat sa pahayag nina Estores at San Miguel ang kanilang depensa na wala sila sa lugar na pinangyarihan ng krimen sa naging pahayag ng isa pang testigong si Danilo Fajarillo, na si Jagueta lamang ang nakita niyang may hawak na baril na na­ging dahilan upang ibasura ng tagausig ang kaso laban sa dalawa.