Bahay ni Kristeta nasa fault line

Ang katatapos na lindol, great equalizer para sa lahat. Pangamba at takot ang naghari sa lahat lalo na nga’t sa mga nakaramdam nito, malakas talaga ang lindol.

Ang diva that you love, nasa isang public transport na arctic chill ang aircon kaya in transit, hindi ko naramdaman ang occurrence.

Sa mga bidyo reactions mula sa celebrities tungkol sa lindol, ang pinaka-the best ay mula sa Digital Empress Kris Aquino.

Visible ang kanyang pagkapayat, bago ang hairdo na parang Vidal Sassoon-inspired at noong naramdaman niya ang shaking of the land, composed naman si Kris and in her sing-song manner of speaking, ang kanyang kuda, “Yes, may lindol. Nawalan ng kuryente. Umuwi na tayo.

“I want to go home.”

Ang pusong nanay niya, talagang umariba, “My sons! Nasa fault line kami, my house. Please! Check si Bimb at si Kuya.”

Nagka-vertigo si Aquino at ang nagpakalma at nagpa-release ng nervous laughter ng mga kumapanayam sa kanya, “It’s the end of the world na, I am telling you. Buti na lang binili ko na ang lahat ng Chanel na gusto ko. At least na-experience, ko siya…”

Ang pakuwela niyang ‘di sinasadya na nagpakalma sa lahat ng kasama niya, “Nahihilo ako. Mahihimatay yata ako. Ang pangit nito. ‘Yun na ang kuwento niyo, ‘Kris ni-rush sa hospital dahil sa lindol.’ Ang chaka.”

In the end, patuloy pa rin siya sa request na kamustahin ang kanyang mga anak.

Sa bidyo rin, dahil siguro she was surrounded by people she knows, grace under pressure si Aquino. Jolted rin siya because of the incident pero she tried her best to be poised and blurt out words na ang epekto sa mga nakikinig, it tickled them kaya ‘di nila mapigilan ang tumawa.

Endearing para sa mga nakapanood na sa pangyayaring ito, kitang-kita na first and foremost, before being the celebrity that she is, nanay na nanay talaga si Kris. Ang welfare muna ni Joshua at James Jr. ang kanyang gustong malaman bago pa ipagpatuloy ang chikahang kay daming sound bites.

Siyempre pa, may maiinis rin sa Digital Empress lalo na du’n sa hanash niya tungkol sa isang designer brand na aspirational para sa ating lahat.

Ipagdasal natin na ang ganitong pangyayari, huwag na munang maulit. Hindi lang sa Pilipinas nangyari ang pagyanig. Pati na rin sa ibang bansa. Let us pray to God and wish tayo sa universe to spare us from this. More positive thoughts and energies ang ating dapat isipin at i-emit para hindi na ma-trigger pa lalo ang movements of the earth.
***

KC hinagupit sa dalang bag

Hagupit na ang pinaramdam kay KC Concepcion na kahit well intentioned at well written at that ang kanyang post-earthquake post, may isang katkaterang ang emote ay pinansin ang kanyang bitbit na Chanel bag.

Juice colored naman! Kristina must be in another side of the planet at porke may dalang designer bag, insensitive agad? Dapat ba mukhang marusing at parang malakas ang hangin sa labas kaya gulo-gulo ang hairdo para masabi mong sincere ang isang tao sa kanyang pag-aalala?

Ibang klase rin ang mga dalahira at katkatera, dapat talaga dressed down at mukhang hoi polloi para manalig ka na ang isang tao ay may tunay na pagmamalasakit?

KC was not only trying to be nice, she was concerned kung may “emergency bags” ang mga naapektuhan, kung ang general public ba ay alam ang proper “exits” at sinabi pa rin niya na dapat lumabas lang ‘pag “it’s safe to get out” na or “get under a table,” tapos ang netizen na akala niya ikinaganda niya ang kanyang post, zeroed in on her supposed insensitivity and Chanel.

Hiyang-hiya naman ako sa ganitong klaseng tao! Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil sa pulos non essentials ang binibigyang-pansin niyo. Kakayamot ang pagiging self-righteous at holier-than-thou attitude. Ibang klase!
***

Gwen buntis?

Buntis nga ba ang back to her starlet ways na si Gwen Zamora?

Sa larawang posted kasi ni David Semerad kung saan ang magsing-irog ay nakalubog sa swimming pool at ang lalaking tatuan eh nakahalik sa kanyang irog, ang kuda ni Semerad: “Enjoying every moment with these two.”

Sino kaya ang “these two” na pinatutungkulan ni David? Hindi naman siguro ang suso ni Zamora ang gusto niyang sabihin na “these two,” hindi ba naman?

Kung sakaling buntis si Gwen, magandang balita naman iyan para sa coupling couple. Ang baby ay tunay na blessing para sa mga taong nagmamahal. At tiyak naman na kaya nilang pangatawanan ang pagiging daddy at mommy dearest, huh!