Pinasok at nilimas ng mga kawatan sa ikalawang pagkakataon ang tahanan ng kapapanalo pa lamang sa kanyang pagtatanggol ng World Boxing Association (WBA) welterweight belt na si Manny Pacquiao sa Los Angeles, California.

“Pacquiao residence here in LA broken into. Cops in the scene right now. It’s the second time in recent years there had been a break-in in the place,” post ni boxing writer Abac Cordero sa kanyang Twitter account.

Kababalik pa lamang ng buong Team Pacquiao mula sa matagumpay na pagtatanggol ng kanyang korona nang kanilang madatnan pagdating ang mga basag na bintana at pinilit at dinistrungkang mga pintuan ng magarang bahay na nasa lugar pa mismo ng mga sikat na personahe sa Amerika.