Isang construction worker na kabilang din sa mahabang listahan ng drug pusher ang napatay makaraang pagbabarilin, igapos na parang baboy at balutan ng packaging tape ng mga hindi kilalang salarin saka lagyan ng karatula at itinapon sa isang bakanteng lote na pinaniniwalaang tapunan ng mga itinutumbang pusher ang natagpuan sa Brgy. Pulong-Buhangin, Sta. Maria Bulacan, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktikma na si Renato Nicolas, 33, ng Garden Village, Brgy. Pulong-Buhangin, Sta. Maria na pinagbabaril hanggang sa masawi saka nilagyan ng karatulang “Magnanakaw na adik, wag tularan ng mapansin nang ilang residente bandang alas-5:20 ng madaling-araw sa bakanteng lote ng Brgy. Pulong-Buhangin, Sta. Maria kaya kaagad itong ipinagbigay-alam sa awtoridad na nagsagawa ng imbestigasyon.
Nabatid na si Nicolas ay nasa listahan ng BADAC at hindi inaalis na biktima ito ng extrajudicial killings ngunit sinasabing isang lalaki at babae ang huling kasama nito bago ito natagpuang patay kung saan hindi rin inaalis na onsehan sa droga ang motibo ng pamamaslang.