Mga laro ngayon (Smart Araneta Coliseum)
2:00 p.m. — UP vs. Adamson
4:00 p.m. — UST vs. Ateneo
Nanindak na agad ang University of the Philippines sa Ballroom Dancing kahit hindi pa ito official competition sa UAAP.
Sinikwat ng UP Ballroom Formation Team ang titulo sa Latin-American at Standard Ballroom categories sa pagbubukas ng Season LXXIX sa UST Quadricentennial Pavilion Arena kahapon.
Nakakuha ng 92.48% ang Diliman dancers sa Latin-American sa nasabing inaugural UAAP Ballroom Competition, second place ang UST Sinag Ballroom Dance Company na may 91.66% habang tersero ang UE Warrior Dancesport Team (84.42%).
Ipinakita ng UP ang husay nila sa indakan habang tumutugtog ang “I Want To Break Free” at “Bohemian Rhapsody” ng Queen para makuha ang atensyon ng mga hurado.
Nagpakitang gilas din ang UP sa Standard Ballroom Dance category kaya nabigyan sila ng 94.3 % ng mga hurado sapat para makuha ang titulo.
Sinakmal ng UST Growling Tigers ang second (92.1) habang pangatlo ang De La Salle University Dance Sport Blitz. (87%).
Ipinakilala ang Ballroom dancing bilang demonstration event ngayong taon.
Samantala, magkakaldagan ang apat na teams sa simula ng men’s basketball tournament sa Smart-Araneta Coliseum mamaya.
Masusubukan kung may bangis pa ang host school at last year’s runner-up University of Sto. Tomas Growling Tigers laban sa matatalim na kuko ng Ateneo Blue Eagles sa main game. Magkikita sa unang laro ang Fighting Maroons at Adamson University Soaring Falcons.
Malaki ang tiwala ni UP team captain Jett Manuel na kayang makipagsabayan ang kanilang koponan sa ibang malalaks na teams lalo’t maglalaro pa rin sina Paul Desiderio at Gelo Vito.
Kahit medyo bata ang Fighting Maroons ay may experience na sila sa mga malalakas na laban.
“We’re more mature and experienced which is important coming to the season,” ani Manuel.