Labingpitong Pilipino ang lumikas matapos salakayin ng mga armadong lalaki ang tinutuluyan nilang residential building sa Salahuddin, Tripoli, Libya, ayon sa

Kasamang lumikas ang limang menor de edad na ayon kay Charge d’Affaires Elmer Cato ay kinakanlong na ng kanilang mga kaanak at kaibi­gan sa Libya.
Kaugnay nito, nanawagan ang Embahada ng Pilipinas sa Tripoli na malapit sa lugar kung saan may nagaganap na bakbakan na maging mapagmatyag at lumipat sa mas ligtas na lugar.

“The Philippine Embassy in Tripoli reiterated its call for Filipinos in the Libyan capital near where fighting has been taking place to evacuate immediately to avoid getting caught in the crossfire,” ayon sa abiso ng embahada.

Nagsimula ang gulo sa Libya noong buwan ng Abril 2019 matapos makubkob ang Tripoli ng puwersa ng Libyan Natio­nal Army na pinamumunuan ni Gen. Khalifa Haftar.

Nanawagan na rin ang embahada sa 400 Pilipinong naka­tira o nagtatrabaho sa iba pang lugar na malapit sa bakbakan na maghanda para sa kanilang eva­cuation sakaling umabot na sa kanilang lokasyon ang digmaan.

Wala pa namang natatanggap na ulat ang embahada kung may nasawing Pilipino.
Sabi ni Cato, maaaring magtungo sa embahada ang mga Pi­lipino o kaya naman ay umuwi na lamang sa Pilipinas.

May 49 Pilipino na ang umuwi mula nang sumiklab ang kaguluhan sa Tripoli. (PNA)