Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala­ itong nilalabag na batas takutin man o pagbantaan ang buhay ng mga krimi­nal.

“Bakit itong bunganga ko? It’s the only way to do it. Hindi mo matapik pare, pwede ba na ano? Hindi na nadadala ng ganoon na eh. Wala na sabog na eh. You have to really…and there is no law which says I cannot threaten criminals. Bawal­ mong takutin ang mga criminals ng kamatayan.

“There is no law. Kagaya rin ito ngayon na Presidente na ako sabi ko: ‘Pag sinira mo ang baya­n ko, ‘pag sinira mo ang mga anak namin, talagang papatayin kita sigurado ‘yan,” pagbibigay-diin ng Pangulong Duterte sa na­ging talumpati nito noong Linggo sa ika-37 Masskara Festival, sa Bacolod City Public Plaza, Bacolod City, Negros Occidental.

Kaya naman, aniya, hindi tama na ibintang sa kanya ang kaliwa’t kanang patayan lalo na ang mga sinasabing kaso ng extrajudicial killings.

Inihayag din ng Pangulo­ na magbibigay ito ng policy statement sa mga darating na araw.

Kaugnay nito, sinabi­ ni House Speaker Pan­taleon­ ‘Bebot’ Alvarez na hindi­ dapat ituring na ‘genocide­’ ang banta ni Pangulong Duterte na ­patayin ang may tatlong milyong ­addict sa Pilipinas­ hangga’t hindi­ ito ginagawa o hindi­ nangyayari.

“Wala pa hong nangyayari. Kaya wala pang genocide. Threat pa lang ‘yun eh. As I’ve said, it may or may not happen. A threat is only a threat,” ani Alvarez kaya hindi umano ito maaaring ituring na genocide hanggang hindi nangyayari.”

16 Responses

  1. Ang ginagawa ng Presidente ay paninira ng bayan ah..droga lng ba..ang dalhin mo sa kumunoy ng kahirapan..ilagay mo sa alanganin ang kaligtasan ng bansa..dadalhin mo ang bayan sa kamay ng mga komunista na walang konsultasyon sa bayan, at paglagay sa alanganin ang susunod na henerasyon? di ba paninira yan?

  2. HAYAAN MONG MAG BUNGANGA SILA P.DIGONG…BASTA GAWIN MO YUNG TAMA PARA SA AMING TAONG BAYAN NA NANINIWALA SA IYO AT SA TUNAY NA PAGBABAGO…PAKHET SILANG MGA DIMONYONG ADIK AT KRIMINAL NG LIPUNAN

  3. Sige lang Mr. President ..tirahin mo international community..US, EU, Jews……Php 48.50 pa lang naman ang dollar paabutin mo ng Php 50.00 .mahal ka namin Mr. President – OFW

  4. Huwag mo silang intindihin, wala na naman silang maitutulong sa pag-unlad ng bansa. Ituloy mo lang Tatay Digong ang pagsasalita mo sa international media. PI na that military exercise with US shall be the last! You are a whore Obama and I kill all of you addicts like Hitler style. go go go! Pabayaan mong mag-alisan ang mga foreign investors tutal darating na ang China to invest in PH market. Magkano na pala doolar ngayon?

    1. mahal namin ang presidente at mahal niya kami..paabutin ni tatay digong ang dollar sa Php 65.00 bago matapos ang taon na ito..promise niya yan sa amin – OFW