Aalamin ng House committee on housing and urban development ang dahilan kung bakit hindi inookupahan ng mga sundalo at pulis ang mga ipinatayong bahay ng National Housing Authority (NHA) para sa mga ito.

Ito ang napag-alaman kay Negros Occidental Rep. Albee Benitez, chairman ng nasabing komite, sa kanilang isasagawang hiwalay na imbestigasyon sa pag-okupa ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kada­may) sa mga housing units ng mga pulis at sundalo sa Pandi, Bulacan.

“The investigation will center on the unoccupied units of the AFP and PNP (housing) program,” ani Benitez sa isang pana­yam matapos makakuha ng report sa Commission on Audit (COA) na 8% lamang sa 57,000 housing units ang inokupahan ng mga pulis at sundalo.

Matagal na aniyang tapos ang mga housing unit at 74% na umano ang na-award sa mga beneficiaries o katumbas ng 40,000 units subalit 8% lang ang aktuwal na inokupahan ng mga sundalo at pulis.

“So that’s about 40,000 plus units awarded but the occupancy rate was only about eight percent… so about 4,000 plus were being occupied,” ani Benitez na kanyang ipinagtataka.

Ito umano ang kanilang tututukan sa isasagawang imbestigasyon dahil kung tumira na ang may 4,000 beneficiaries, bakit hanggang ngayon ay ayaw pa ng may 36,000 iba pang benepisyaryo kung nai-award na ito sa kanila.

“Maybe the beneficiaries are not really­ ­beneficiaries… they maybe ­using names. The question is, are the list of bene­ficiaries that have been awarded actual beneficiaries?” ayon pa sa mamba­batas.