Tuwing sumasapit ang buwan ng Setyembre ay nagsisimula na ring magsulputan ang mga Christmas tree.
Sa mga shopping mall pa lang ay nakatindig na ang mga ito at napapalibutan ng iba’t ibang magagarang palamuti na sinamahan pa ng makukulay na Christmas lights.
Iba-iba mang size, kulay at yari ay isa lang ang mensahe nito – hudyat na papalapit na ang Pasko.
Ang salitang Christmas tree ay nagsimula umano sa bansang Germany noong taong 722.
Halaw ito sa naging experience ni Saint Boniface makaraang may makasalubong siyang mga Pagano na may isasakripisyong isang bata sa pinakasentro ng oak tree.
Upang ‘di matuloy ang planong ‘sacrifice’ sa paslit ay pinutol niya ang isang puno kung saan may tumubo doong Fir tree na hugis Christmas tree.
Pinulong umano ng nasabing Santo ang mga tao at sinabing ang magandang kulay berdeng puno na nakatutok sa kalangitan ay holy tree, na simbolo rin ng batang si Hesus at ang pangako Niyang buhay na walang hanggan.