Iinihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Securities and Exchange Commission (SEC) na walang nilabag na batas ang ABS-CBN Corporation.
Sa pagdining ng Senate public services committee, sinabi ni Simplicio Cabantac ng BIR na regular namang nagbabayad ng buwis ang ABS-CBN.
“As far as ABS-CBN account is concerned, they are regularly filing paying taxes in the past number of years,” pahayag ni Cabantac sa komite na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe.
Noong una’y ayaw ibunyag ni Cabantac ang buwis na naibayad ng network dahil sa isyu ng confidentiality subalit nang mag-waive ang ABS-CBN isiniwalat na rin niya ito sa komite.
Sabi ni Cabantac, mula sa 2016 hanggang 2019, nagbayad ang ABS-CBN ng buwis sa kabuuang P14,398,464,714.
Samantala, sinabi naman ni SEC Commissioner Ephyro Luis Amatong na wala silang natanggap na reklamo laban sa ABS-CBN.
“At this time, we are not aware of any violation or any ongoing complaint or investigation involving ABS-CBN. ABS-CBN is a listed company that is subject to reportorial requirement,” sabi ni Amatong.
Bumigay sa pressure, Kamara nag-hearing na Makaraan ang anim na taong pagka-delay, sinimulan na ng House Committee on Legislative Franchise ang pagtalakay sa franchise renewal ng broadcast giant.
Sa interview ng ABS-CBN Umagang Kay Ganda, sinabi ni Rep. Franz Alvarez na sisimulan na ng kanyang komite na tumanggap ng position paper sa mga pabor at tutol sa mga nakabinbing mga panukala sa ABS-CBN frachise renewal.
“Pagkatapos po ng konsultasyon natin kay Speaker Cayetano at iba pang miyembro ng liderato napagkasunduan po namin na umpishan na po ngayong araw ang proceedings po,” sabi pa ni Alvarez. (JCC/DM/EP)