Sa Lunes ay mag-uumpisa ang taunang Insurance Consciousness Week. Ito ang panahon kung kelan ipinapakilala ng mga insurance companies ang insurance sa taumbayan.
Ang tanong, bakit ba may insurance?
Simple lang ang sagot: Kasi hindi natin masabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Hindi natin alam kung bukas buhay pa tayo, o kaya kung bukas eh ligtas pa ang ating sasakyan, ang ating tahanan, o ang ating negosyo.
Kaya tayo bumibili ng insurance ay para may sumalo sa atin kung sakaling mangyari ang ayaw nating mangyari.
Kapirasong papel lang ang binibili natin sa insurance. Pero nakasulat dito ang pangako ng insurance company na babayaran nito kung sakaling mangyari ang mga bagay na nakasulat sa papel na binayaran natin. Parang pustahan lang:
Pumupusta tayo na may mangyayaring masama sa atin kaya tayo nagbabayad. Pumupusta naman ang insurance company na walang mangyayari sa atin. Mas malaki siyempre ang pusta ng insurance company. Kung may mangyari sa atin, dun magbabayad ang insurance company.
Sa Martes ay ipapaliwanag ko ang iba’t ibang insurance na kelangan nating mga drayber.
***
Inilabas kamakailan ng Yamaha ang pinakamaangas nilang motorsiklo — ang TFX 150. Big bike na big bike ang dating ng motor na ito. Talaga namang super guwapo ka kung ito ang sasakyan mo. Moderno ang hitsura ng TFX 150.
Malapad ang gulong, may undercowl para iwas talsik ng putik, may digital speedometer, at inverted telescopic fork na sa mga big bikes lang kadalasan makikita. Perfect ito para sa mga gustong mag-upgrade mula sa FZ 150. Available na ang TFX 150 sa lahat ng Yamaha outlets.
***
Para sa mga nakaraang column natin, i-like ang Basta Drayber page sa Facebook.