Sa wakas ay inaresto na si Albuera Mayor Rolando Espinosa, ang ama ng pinaghahanap na drug lord na si Kerwin Espinosa.

Si Mayor Espinosa ay inaresto ng Albuera-Philippine National­ Police (PNP) sa pangunguna ni S/Supt. Franco Simborio, ang ­provincial director ng PNP Leyte, sa bisa ng dalawang warrant of arrest na inisyu laban sa alkalde.

Ang unang warrant ay para sa possession on illegal drugs na aabot sa 11.4 kg, habang ang ikalawa naman ay para sa illegal possession of firearms.

Kasunod ng pag-aresto ay ang tuluyan nang pagpiit sa alkalde sa Baybay City sub-provincial jail.

Hindi natin maintindihan sa PNP kung bakit pinatagal pa bago arestuhin ang ama ng drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin.

Dapat kasunod ng pagputok ng pangalan ng alkalde na ­nakakaladkad sa kalakaran ng iligal na droga ay dinampot na ito ­kagaya ng ginagawa sa ilang ordinaryong mamamayan na ­idinadawit sa operasyon ng iligal na droga.

Masyado naman yatang binigyan ng espesyal na pagtrato ang alkaldeng ito gayong may mga ebidensya nang nagdidikdik na sangkot ito sa illegal drugs.

Hindi kasi naging maganda sa paningin ng taumbayan, lalo na ang mga inaresto at napatay dahil­ sa ­pagkakasangkot sa iligal na droga­ na ­nakalalaya ang alkaldeng ito na kilalang­ ama ng drug lord at nahulihan­ pa ng mga iligal na droga.

Kaya ang sa amin, maging patas naman sana ang PNP sa pagpapatupad ng batas lalo na sa batas­ kontra­ iligal na droga dahil nakukulayan kayo sa ganitong sistemang­ inyong ipinatutupad.

Kung mayroon kayong dahilan sa likod ng mabagal na pag-aksyon para kasuhan ang alkalde hindi ito matatanggap ng kahit sino dahil sa nakikita naming mahigpit na kampanya kontra iligal na droga na isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang sa amin, huli na sana ang tila pagpapaespesyal na pagtratong­ ibinigay ng PNP sa Albuera mayor para maniwala ­kaming patas kayo sa labang ito.

6 Responses

    1. patay talaga paglumaban..dahil kong sa panahon ng raid at nandun c Mayor Espinosa tyak nakulong agad yan. pero dahil wala sya sa loob ng kanyang bahay during raid kahit may nakuhang illegal drugs at mga baril hindi agad sya makasuhan tulad ng sinabi ng mga pulis. kaya bago kayo pumutak dyan, magtanong.tanong muna kayo.