Hindi ko masisisi si Pangulong Rodrigo Duterte na mangamba para sa susunod na henerasyon ng Pilipinas kapag hindi nasugpo ang problema sa iligal na droga sa bansa.
Naniniwala ako na umaabot na sa tatlong milyon ang gumagamit ng iligal na droga sa Pilipinas dahil kahit ‘yung mga nasa bukid ay gumagamit na ng iligal na droga, ayon sa isang congressman.
Ang biruan dati, kung magpapatakbo ang mga adik ng kanilang kinatawan sa party-list tiyak na makakatatlo sila ng upuan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil anim hanggang 10 taon pa lamang ang nakakaraan ay 1.8 milyon na sila.
Kung talagang dumoble na ang bilang nila ngayon, talagang nakakabahala na dahil baka ang makasalubong mo ay nakadroga at bigla ka na lang pagtripan at pagkamalan kang aswang dahil wala na sa katinuan ang kanilang isip.
Ang dating ng mga adik, siga sa kanilang kalsada kaya kung dadami pa sila eh manganganib talaga ang susunod na henerasyon at baka ang magpapatakbo sa ating gobyerno ay pinaupo ng sindikato ng droga.
Kapag hindi kasi maresolbahan ang problemng ito ngayon pa lamang, baka dumating ang araw na kinatatakutan ni Digong kaya habang nasa puwesto siya eh ginagawa na niya.
Saka ipinangako niya ito noong nakaraang eleksyon kaya hindi na dapat ipagtaka. Ginusto ng mga tao na siya ay maging Pangulo dahil sa pangako niyang labanan ang iligal na droga kaya tinutupad lang niya ang pangako niya.
Kaya kung mapapansin mo, walang pakialam ang mga tao o 97 million sa 100 million populasyon, kung maraming adik ang napapatay. Mayroon nga akong nakausap na barangay officials na nagsabing tuwang-tuwa pa ang kanilang nasasakupan dahil isa-isang nawawala ang adik sa kanilang barangay.
Katuwiran daw ng mga tao, mabuti nga raw at nawawala ang mga adik na nagdudulot ng kaguluhan sa kanilang barangay kapag sila ay kargado ng shabu kaya walang kumikibo sa mga tao.
“Hindi ako makapag-react sa anti-graft campaign ni Digong dahil gustong-gusto ng mga tao eh. Natutuwa ang mga tao dahil nawawala ang gulo sa kanilang barangay,” ayon naman sa isang Metro Manila congressman.
Kung mapapansin mo, maraming tao ngayon ang malakas na ang loob na ilabas ang kanilang cellphone para manghuli ng Pokemon dahil hindi sila nangangamba na ma-snatch ang kanilang cellphone.
Bihira na rin ang holdapan sa mga pampasaherong jeep simula noong maupo si Duterte dahil nagkaroon na ng takot ang mga kriminal bagay na ikinakatuwa ng mga karaniwang mamamayan.
Puwede ka na ring maglakad na walang pag-aalala dahil kahit ‘yung mga scalawag na pulis na isa sa mga banta sa mamamayan kapag ginusto kang pagtripan para pagkakitaan ay kumalma na rin.
Ang problema lang, ‘yung mga miyembro talaga ng sindikato na pawang mga dayuhan ay baka nakaalis na. Sila ang dapat targetin dahil sila ang nagturo sa mga Filipino na gumamit ng droga. (dpa_btaguinod@yahoo.com)
gustong gusto kc ng mga pinoy ang nangyayaring patayan sa mga pusher at addict. c de5 lng naman ang kakampi ng mga kriminal
hindi naman siguro kakampi ng mga kriminal, ang unang una kasing sinimulan nyan ay ang Karapatang Pantao, yun palagay ko ang ipinaglalaban at issue nung una, lumaki lang ng lumaki at masyadong nag iba ang usapan…. opinion ko lang ito at hindi po ako makikipag away :D
karapatang Pantao??? nasaan ang karapatang Pantao sa mga nabiktima ng rape, murder, etc.. ng dahil sa mga Adik at Pusher at iba pang mga kriminal? sa ngayon, kapag kriminal ang nambiktima, tikom lahat ang bibig at nagbibingibingihan lang kasi nga normal na ngayon yan.. pero kapag ang mga Putang inang mga kriminal ang nabiktima, napakadaming nagdudunung dunungan maka putak lang.. abnormal na bang ang mundo?
Simple lang naman yan eh… hindi nyo ba kaya na itapon ang 3 bulok na kamatis para i save ang natitirang 97 na kamatis?
Dahil sa karapatang Pantao kaya dumarami at lumalakas ang loob ng mga kriminal.. kung ganon ang magiging pananaw ng lahat ng tao, abah kahit sino pwede pumatay ng ganun kadali tutal hindi ka naman papatayin ng gobyerno dahil protektado ka ng Karapatang Pantao. napakalinaw ang utos ng Presidente.. Hulihin lahat ng mga Adik sa Droga.. ang nanlaban patayin.. now.. kung maka react naman ang iba sobrang exaggerated na akala papatayin lahat ng tao sa pinas.. y? mga adik din ba kayo?? siguro nga..