Tanggap ng mga disenteng Pilipino na walang ginagawang masama ang pagpatay sa mga drug pushers at adik dahil matagal nang salot ang mga ito sa lipunan.
Ganito ang basa ng ilang mambabatas sa kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga dahil tahimik umano ang mas nakakaraming Pilipino sa halos araw-araw na pagtumba ng mga drug pushers at adik.
“Para sa akin, dahil sa matagal nang kawalan ng tiwala ng mga mamamayan sa mabagal na prosecution at justice system bago makulong ang mga drug pushers at dahil sa matagal nang salot na droga na pinagmumulan ng sari-saring kriminalidad, tanggap na ng mga mamamayan ang pagpatay sa mga pushers,” komento ni CIBAC party-list Rep. Sherwin Tugna.
Ganito din ang opinyon ni Ako Bicol party-list Rep. Rodel Batocabe, na naniniwalang mas maraming natutuwa dahil nababawasan ang mga salot sa lipunan na pinag-uugatan aniya ng kriminalidad.
“Tanggap naman ng tao dahil wala naman nagpoprotesta,” ani Batocabe.
Sa panig naman ni Isabela Rep. Rodito Albano, kaya tanggap ng mga mamamayan ang nangyayari ay dahil ang mga taong sangkot sa iligal na droga na ang nagpapatayan at nag-uubusan.
“Sila-sila na kasi ang nagpapatayan…wala nang pakialam ang mga disenteng tao sa kanila,” ani Albano.
Subalit nagbabala sina Tugna at Batocabe sa posibleng negatibong epekto ng mga patayang ito na kapag hindi umiral ang batas ay maaring magbunga ng mas malaking problema.
“Kaya ang dapat lang maiwasan ay ang abuso ng pulis o pagpaslang ng mga tao na ‘di naman sangkot sa droga. Sa oras na magsimula na ang abuso, dadami ang agrabyado at mawawalan ng tiwala sa gobyerno,” babala ni Batocabe.
“Para sa akin, mali ito. The end does not justify the means. Bagama’t gusto nating sugpuin ang problema sa droga, dapat ay nasa proseso pa din at walang pagmamalabis at naayon sa batas ang aksyon ng mga law enforcers,” dagdag naman ni Tugna.
Hindi naman sa tanggap…obvious naman na nakikipag barilan pa sila habang hinuhuli…. hey, publisher and editor of Abante Tonite, nasaan ang Common Sense?