Bakla wanted sa Iloilo rape-slay

Bumuo na ng tracking team ang Balasan Police para sa pagtugis sa isang bakla na umano’y gumahasa at pumatay sa isang 14-anyos na lalaki kamakalawa sa Barangay Tinguian, Balasan, Iloilo.

Isang 5-man team ang binuo ng pulisya para tumutok sa paghahanap sa suspek na nakilala lamang sa alyas ‘Smile’, isang beautician.

Ayon sa lolo ng biktima, pista noon sa kanilang lugar at dumalo sa sayawan ang kanyang apo na ‘di na pinangalanan kasama ang mga barkada nang akbayan ng isang bakla.

‘Di na umano nakauwi ang kanyang apo at nang matagpuan ay wala nang buhay, walang saplot na nakahandusay sa pilapil at ayon sa pagsusuri ng medico legal ay natuklasang may malaking sugat sa puwet, namamaga ang ari at may marka ng pananakal na siya nitong ikinamatay.