Baklang komedyante nabagsakan ng bentilador ang ka-sex

MAPERA na ang isang becking personalidad. Malaki na ang kanyang kinikita pero marunong siyang humawak ng pa­nanalapi. Kahit para na sa personal niyang kaligayahan ay hindi siya bulagsak sa pera.

Piling-pili lang ang pag­kakataong nabubuyo siya ng kanyang mga kasamahan para maglabas ng pera sa kanyang bulsa para sa panandaliang kaligayahan. Nakikipagrelasyon siya pero pagdating na sa pagkuha ng lalaking magpapasaya sa kanya ay may pagpi­pigil ang pamosong ko­medyante.

May kuwento ang isang source tungkol sa minsang pagkukuripot ng komedyante, ang kanyang chika, “May nakilala siyang mhin sa isang bar. Guwapo, matangkad at yummy ang guy. Natural, type niya ang lalaki, kaya lang, umandar ang calculator sa kanyang utak.

“Inisip niya agad kung how much ang ibibigay niya sa mhin na mukhang mamahalin ang packaging­, paano pa ang pambayad niya sa hotel, pakakainin pa niya ang mhin, malaki ang malalagas na datung niya sa bulsa!

“Pero inurot siya ng mga kaibigan niya, gora na, sabi nila, tutal naman, e, paminsan-minsan lang siyang nagpapakasaya. Nakumbinse naman ang becki, inom-inom muna sila nang konti lang, tapos, gora na silang da­lawa para magkasabay na magpaligaya,” unang kuwento ng aming kakuwentuhan.

Habang nasa taxi sila ng lalaki ay umandar na naman ang pagiging kuring ng becki, parang nanghihinayang siya sa mababawas na halaga sa kanyang wallet, kaya nag-isip siya ng paraan na liligaya siya pero sa murang halaga lang.

Patuloy ng aming source, “Dinala niya ang mhin sa isang lumang-luma nang motel, ‘yung barya-barya lang ang babayaran mo para sa isang short time. Sobrang luma na talaga ang motel, walang aircon, bentilador lang ang ginagamit sa kuwarto.

“Heto na. Habang parang working girl ang becki sa lalaki, e, biglang bumagsak ang bentilador mula sa kisame, tinamaan ang mhin sa mukha, duguan ang face ng guy, kaya walang choice ang becki kundi ang dalhin siya sa ospital!

“Nakakaloka! Sa halip na makatipid siya, e, mas nagastusan pa siya dahil sa pagkukuripot niya! Ilang libo ang nagastos niya dahil tinahi ang face ng mhinchang, sising-alipin ang becki pagkatapos nu’n!” humahalakhak na kuwento ng aming source.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Demanda ni Joel Cruz, bendikasyon kay Ynez

ISANG malinaw na bendikasyon para kay Ynez Veneracion at sa iba pang mga personalidad ang pagdedemanda ng negosyanteng si Joel Cruz sa kababayan nating nagnenegosyo sa Brunei na si Kathy Dupaya.

Hindi biro ang halagang sangkot, apatnapung milyong piso ang hinahabol ni Joel Cruz sa negosyanteng nanira-nang-away pa kay Ynez Veneracion.

Ngayon namin naaalala ang mga kuwentong nakararating sa amin tungkol sa negosyanteng idinemanda, napakaluwag niya sa pagreregalo sa mga artistang dina­dala niya sa Brunei, puro branded stuff ang ibinibigay niya sa mga ito at may bonus pang mala­king halaga.

Sabi pa nu’n ng isang personalidad na nakausap namin, “Meron siyang catering business sa Brunei, meron din siyang restaurant, pero ang kuwento ng mga Pinoy du’n, e, napakasuwerte raw ni Kathy Dupaya sa pagsusugal. Bawat upo raw niya sa machine, e, tumotodas siya nang milyun-milyon, buwenas daw siya sa casino!”

Dahil sa dami ng hini­ngan niya ng puhunan sa sinasabi niyang loan business sa Brunei ay lumobo ang mga dapat niyang bayarang puhunan at interest ngayon.

Sabi uli ng aming source, “Kung totoong madalas siyang mag-casino, puwedeng du’n nauwi ang mga milyones na kinuha niyang puhunan daw sa loan business niya.

“Hindi siya masuwerte sa sugal, du’n siya natalo, kaya nagkawindang-windang ang business na sinasabi niya. Marami pang magsasampa ng demanda sa kanya ngayon,” sabi nito.