Kumpiyansa ang mga researcher sa Australia na malapit nang makagawa ng bakuna ang mga scientist laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang isinagawa nilang pag-aaral sa isang pasyente.

Ayon kay Australia Minister for Health Greg Hunt, isang major development ang isinagawang pag-aaral mahanapan ng bakuna kontra COVID-19.

Inihayag ng mga researcher ng Peter Doherty Institute for Infection and Immunity sa Australia na kanilang sinuri ang blood sample ng pasyenteng babae na nasa 40s ang edad at kanilang natuklasan na lumalaban ang immune system ng tao sa coronavirus na kagaya pag may lagnat.

Makatutulong umano ang natuklasan sap ag-aarak para maintindihan ng mga scientist kung bakit may ilang pasyente ang gumagaling habang ang iba nagkakaroon ng seryosong respiratory problem.