Bala ng mga baril na ipupuslit sa LRT naharang

Isang pasahero ang dinakip nang madiskubreng may ipupuslit na mga bala ng shotgun sa loob ng Light Rail Transit (LRT) 2 sa Cubao, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay LRT 2 Security Chief Benjie Cayabyab, alas-7:30 ng gabi (Disyembre 21) nang maharang ang pasahero na nakilalang si Protacio Edwin Jacalne, 59, ng 322 Cristobal St., Tondo Manila, habang papasok sa south Araneta entrance ng LRT 2 sa Cubao.

Pagdaan umano sa regular inspection ni Jacalne ay nakita sa dalang kulay asul na eco bag nito ng security guard na si Eric Buenabajo, ang mga bala ng baril.

Nasamsam sa pasahero ang 65 live ammunition ng shotgun at isang empty magazine ng Glock 9 mm.

Agad na dinala sa Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7 ang nasabing pasahero at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. (Dolly Cabreza)