HINDI lang pala pagsasayaw ang nais gawin ng i­nternet sensation na si Balang paglaki niya.

“Gusto ko pong maging Zumba instructor at ­maging pulis. Gusto ko rin pong matutong mag-ballet,”­ sabi ng co-host ni Tom Rodriguez sa talent­ ­reality show na #Like na magsisimula ngayong ­Sabado after Eat Bulaga.

Kahit busy si Balang sa mga project niya sa GMA, focus pa rin ang bata sa kanyang studies.

***

Kahit naging controversial topic online ang Alyas Robin Hood dahil sa fan-made poster­, umabot na sa one million views sa Face­book ang teaser ng upco­ming GMA primetime series ni Ding­dong Dantes sa loob lamang ng apat na araw matapos itong ­i-release noong August 29.

Mapapanood ang Alyas Robin Hood simula September 19 sa GMA Telebabad bilang bahagi ng SeptemBest offering ng Kapuso Network.

***

Juancho-Trivino
Juancho Triviño

Kakaibang bonding ang nabuo sa pagi­tan ni Juancho Triviño at ng iba pa niyang Magkaibang Mundo co-stars.

Kaya sa nalalapit na pagtatapos ng Magkaibang Mundo, pinasalamatan ni Juancho sa Instagram ang mga taong kasama niya tuwing may eksena siya bilang duwende.

Aniya, “Shoutout to the people in my dwende world… I ­appreciate all of you and I am looking forward to working with you guys again.

“I wish I knew all of their ­Instagram accounts so that I can tag them. Anyway, see you guys sa last day! Hephep-Happy!”

***

Excited si Puri Titiwang sa Maskara King mamayang 11:00 PM sa Jee Spot, West Point St., Cubao, QC (malapit sa Chow King-Aurora Blvd.).

Sulit ang ticket na P300 (inclusive of 1 drink) dahil 30+ bikini hunks ang ­magpapakitang-gilas dito, kabilang ang indie actor na si Ron Malicad.

Tampok din dito ang mapangahas na sina Curt del Rosario, Patrick San Miguel, Kim Thompson, Aljhon Brillantes, Venz Wayland, Lester Estrada at Bralle Ramos.

Andiyan din ang tsalap-tsalap na sina Aaron Paul Garcia, Aga Miguel, Jhet Ocampo, McGreggy Angara, JM de la Cruz, Melvin Carbungco, Calvin Dantes at Miko Cubero.

Para sa sponsorship, makipag-alam sa cell# 0935-145-3859, 0999-311-4674.

Di ba, Maecy Codamon?

***

Mapapanood na ang family drama na The Greatest Love sa Lunes (September 5), pagkatapos ng Doble Kara sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Sa edad na 59, ang pangarap lamang ni Gloria (Sylvia Sanchez) ay ang magkaroon ng isang masayang pamilya at maayos na buhay para sa kanyang mga anak na sina Amanda (Dimples Romana), Andrei (Matt Evans), Paeng (Arron Villaflor), Lizelle (Andi Eigenmann), at apo na si Z (Joshua Garcia).

Bilang ina, handa siyang ibigay ang lahat para maprotektahan sila sa mga pagsubok at sakit na dati niyang dinanas.

Ngunit ang dating masayang pamilya ni Gloria ay unti-unting masisira dahil sa pagkakabubunyag ng isang malaking sikretong pinagkatagu-tago niya sa mahabang panahon.

Mapapalayo kay Gloria ang kanyang mga anak hanggang sa ang matira na lamang sa kanya ay ang magagandang alaala na kasama sila.

Paano kung ang mga alaalang ito ay unti-unti na ring mawala sa kanya dahil sa Alzheimer’s disease?

Kasama rin sa cast ng The Greatest Love sina ­Nonie Buencamino, Rommel Padilla, Tonton Gutierrez, Ejay Falcon, Ellen Adarna,­ Junjun Quintana, Aleck Bovick, Luis Alandy, Bobby Andrews, Alex Medina­, Mercedes Cabral, at Guji Lorenzana.

***

Magpapakilig muli ang all-male group ng Kapuso Network na Top One Project (T.O.P.) na kinabibilangan nina Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Miko Manguba, Adrian Pascual at Mico Cruz sa kanilang debut major concert ngayong October 28 sa Music Museum.

Makakasama nila rito sina Kim Domingo at Aicelle Santos.