Balansyado?

horses-in-box Andy Sevilla

Magandang balita itong paglalagay ng swimming pool sa mga kabayo sa MetroTurf Racing Complex. Nasa planning stage na ito at inaasahang sisimulan sa mga susunod na buwan.

Maraming horse owners at trainers ang nasiyahan at sinabing maganda ito para sa mga kabayong nakadestino doon sa Malvar at marami na rin daw ang nagbabalak na magdala ng kanilang kabayo roon dahil malapit lang sa kanilang mga farms sa Batangas.

***

Isang tagasubaybay mula sa industriya ang nag-text sa Abante TONITE at ito ang nilalaman.

“Sabi nila with the new groups (Condition Races) based on ratings will be balanced.

Bakit may pusoy? Tingnan mo sa kopya ng Group 2 ra­tings (Misty Blue) bakit sa Group 3 tatakbo? Hindi pa nag-start puro revision na ginagawa.

Sabi ni C_______ typographical error! Unang kopya may error agad. E paano iyong mga susunod! Pera ng taong bayan pinaglalaruan. Tama lang pagdudahan ang C________ sa intention niya sa karera. Iyong Group 2 pinayagan tatakbo sa Group 3!!!!! Iyong rating hindi pinaliwanag sa mga karerista! Secret siguro.”

Ito naman ang pahabol ng isang nagtext din: “Paano magiging totoo yang mga ginagawa nilang yan eh sa pagbibigay lang anunsyo para magmiting mali-mali na.

Nagpatawag ng miting para sa mga miyembro ng kumite sa Martes. Pero nakalagay na date eh Marso 27. Lunes ba o Martes? Ano ba yan?”

***

Isa tayo sa napakaraming nagrereklamo ngayon sa intermittent WiFi connection mula sa PLDT. Napakarami tayong ipinadalang e-mail sa kanila at nagtataka tayo kung paano nila itong ginagawan ng pansin.

Sinasabi nilang natatanggap nila ang reklamo at gagawan kaagad ng paraan. Pero hindi natin alam kung paano nila ito nilulunasan dahil hangga ngayon ay palaging on-and-off  ang ating DSL connection.