Tatlong teams ang maglalaban-laban sa stepladder para makaharap ang defending champion San Beda University Red Lions sa finals ng 95th NCAA men’s basketball tournament.
Magsisimula ang bakbakan sa Martes sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City kung saan maghaharap ang No. 3 Letran Knights at fourth seed San Sebastian College Stags.
Ang mananalo sa nasabing knockout game aang hahamon sa No. 2 at last year’s tunner-up Lyceum of the Philippines Pirates para sa second finals berth.
Nagkaroon ng stepladder semis nang walisin ng Red Lions ang 18-game elimination round sa pamumuno nina Calvin Oftana, Evan Nelle at Donald Tankoua.
Tiyak na kakapitan ng Knight si Jerrick Balanza upang makabalik ang Letran sa finals, inaasahang mapapalaban sila dahil may malupit na pambato ang Stags sa katauhan ni Allyn Bulanadi.
Para sa Lyceum, malaki rin ang tsansang maka-finals, sakaling manalo sa stepladder ay pangatlong beses na nilang makakaharap ang Beda.
Kahit wala na si Robert Bolick at Jayve Mocon, nananatili pa rin ang bangis ng Mendiola-based dribblers. (Elech Dawa)