Pinalitan na ng Philippine National Police (PNP) ang hepe ng Criminal ­Investigation and Detection Group (CIDG) kasabay ng pagreretiro ng ­dating hepe na si Chief Supt. Roel Obusan at paggalaw sa puwesto ng iba pang ­opisyal.

Base sa inilabas na Special Orders Number 14713 ng Camp Crame, nagkaroon ng reassignment ang ilang opisyal na epektibo kahapon.

Itinalaga bilang bagong hepe ng CIDG si Chief Superintendent Amador Corpus, director ng PNP Region 3, kapalit ni Director Roel Obusan na nag­retiro na kahapon.

Samantala, si Police Chief Superintendent Joel Napoleon Coronel ­naman ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipinalit bilang bagong chief ng PNP Region 3.

Kabilang din sa mga opisyal na nailipat ay sina Police Chief Superintendent Dennis Basngi, mula sa SAF ay inilipat sa NCRPO; Police Senior Superintendent Manuel Abu, mula DHRDD ay inilipat sa SAF; at Police Senior Superintendent Adolfo Samala Jr., mula PRO 1 patungong DHRDD.