Dear Sir:

Ano kaya ang kapalit sa pag-lift ng import ban sa ating mga saging at pinya ng China? Hindi basta-basta muling tatanggapin ang ating mga saging at pinya kung walang kapalit? Sa malaot-madali malalaman din natin ‘yan.

Kataka-taka lamang dahil biglang ni-lift ng China ang ban sa pag-import sa ating mga sa­ging at pinya. Pasalamat na rin tayo sa kanila dahil uunlad na naman ang negosyo ng saging at pinya sa ating bayan.

Kawawa naman ang ating mga magsasakang wala nang pinagkukunan ng pagkakakitaan simula nang ma-ban ito sa China.

Talagang ang bawat bansa ay kailangang magtulungan sa ano mang pagkakataon. Nararapat ito upang umunlad ang lahat ng bansa. Ika nga, “no man is an island”.

Kaya medyo hinay-hinay lang po, Pangulong Duterte, sa pakikipagtalakan sa ibang bansa. Konting preno lang po. Basta nasabi niyo na ng isang beses ang mga hinanakit niyo, okay na ‘yun, huwag na sanang ulitin pa, para happy po ang lahat at walang maghihinakit sa inyo.

ZYRENNE A. YUMUL
Balagtas, Bulacan

One Response