Balik-Eskwela arangkada na bukas

By Armida Rico

Bukas araw ng Lunes ay handang-handa na ang buong puwersa ng Southern Police District (SPD) sa pagtiyak ng seguridad ng mga mag-aaral sa mga nasasa-kupang pampubliko at pribadong paaralan para sa balik-eskwela.

Ayon kay SPD Director, Brig. Gen. Eli-seo Cruz, maliban sa mga tauhan ng pulisya, hiningi rin nila ang serbisyo ng mga ‘barangay tanod’ para maging kaa-gapay ng kapulisan sa pagbabantay sa lungsod.

Sakop ng SPD ang mga lungsod ng P­asay, Makati, Parañaque, Las Piñas, Muntinlupa, Taguig at ang munisipa-lidad ng Pateros.

Sinabi ni Cruz na, magpapakalat ng mahigit 2,500 na pulis katuwang ang mahigit 1,800 dagdag na pwersa tulad ng mga barangay tanod sa pagsisimula ng klase ngayon.

Layunin umano nito na masigurong maayos at kapaki-pakinabang para sa mga mag aaral ang unang araw nila sa ekwelahan para ganahan ang mga itong pumasok at mag aral ng mabuti.