Balik Senate custody si Taguba

mark-taguba

Bumalik sa kustodiya ng Senado ang customs broker na si Mark Taguba.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon ng Senate blue ribbon committee kaugnay ng nakalusot na shabu shipment sa Bureau of Customs (BOC) ay kinuwestiyon ni Senador Panfilo Lacson ang desisyon ni Senador Richard Gordon, pinuno ng komite na alisin sa kustodiya ng Senado si Taguba na hindi kinonsulta ang mga miyembro ng komite.

Matatandaang, nataong tinanggal sa kustodiya ng Senado si Taguba matapos na idawit nito sa kontrobersiya ang anak ni Pangulong Rodrido Duterte na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at manugang na si Mans Carpio.

Kaya hinala ni Lacson, may kinalaman sa pagdawit ni Taguba sa Presidential family ang pag-alis sa kanya sa kustodiya ng Senado.

Gayunpaman, inako ni Gordon, ang resposibilidad sa naturang naging hakbang ng komite.