Balikbayan boxes, exempted sa buwis, bawal pang buksan

Exempted na sa buwis ang isang ­balikbayan box na ipapadala ng mga overseas Filipino ­workers (OFWs) sa kanilang mahal sa buhay kada buwan bukod sa hindi na rin ito maaaring buksan ng Bureau of Customs (BOC).

Ito’y sa sandaling aprubahan ang panukalang itinutulak ni Senate President Aquilino ‘Koko’ ­Pimentel III na layon pa ring bawasan ang alalahanin ng mga OFWs sa nagpapapadala ng balikbayan boxes sa kanilang mahal sa buhay.

Sa Senate Bill No. 1168, kapag maaprubahan, aalisin na ang taxes at duties sa laman ng balikbayan box na may sukat na 24 by 24 by 30 inches na ipinapadala kada buwan ng OFWs at hindi na rin ito maaaring buksan.

“I find it distasteful to consider these ­boxes as mere sources of revenue after all the ­sacrifices of our OFWs and their contributions to the ­economy,” ayon kay Pimentel.