Balikbayan nahulihan ng droga

Sa bisa ng search warrant, arestado ang isang balikbayan mula sa Seattle, Washington, USA matapos makitaan ng iligal na droga sa Barangay 15, Laoag City noong Huwebes.

Kinilala ng Laoag City Police Station (LCPS) ang suspek na si Czerny Cariño, 41, ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, sinabi ni SPO3 Harold Nicolas, hepe ng LCPS intelligence division na sa bisa ng warrant of arrest, hinalughog ng mga awtoridad ang bahay ni Cariño at nakita ang siyam na malalaking plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Ayon kay Nicolas, ang suspek ay balikbayan mula sa Seattle, Washington, ngunit nakatanggap sila ng intelligence report na siya ay sangkot umano sa operasyon ng iligal na droga kaya kumuha ng seach warrant ang LCPS.

Ayon sa report, na-deport umano si Cariño mula sa America dahil sa pagkakasangkot sa illegal drugs.

Sinabi pa ng LCPS na droga rin ang isa sa mga dahilan kung bakit namatay ang nanay ng suspek na si dating barangay chairperson Leonora Cariño.