Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
4:00 p.m. — BaliPure vs. Adamson
6:30 p.m. — Pocari Sweat vs. Air Force

Krusyal ang bakbakan ng BaliPure at Adamson, kailangan nilang manalo para manatiling buhay ang tsansang huma­bol sa semifinals ng Premier Volleyball League Open Conference.

Nasa pang-lima ang Reinforced Conference runner-up Water Defenders sa 2-3 card, nasa ilalim nila ang Lady Falcons na may 1-4 karta.

Sa pangalawang laro sa The Arena sa San Juan ay papagitna ang defending champion Pocari Sweat laban sa Air Force.

Parehong kapit ng three-time champion Lady Warriors at Lady Jet Spikers ang 4-1 records at magkabuhol sa se­cond, sa likod ng nangungunang Creamline na walang bangas sa anim na laro.

Naka-upo sa pang-apat ang BanKo-Perlas kalong ang 3-3 baraha.

Pitong laro sa elimination round kaya may tsansa pa sa next round ang Lady Falcons at Water Defenders.

Galing sa back-to-back five-set losses ang BaliPure, nawalis sa tatlong laro ang Lady Falcons sa Pocari Sweat.

Paniguradong lalaro sa playoff ang Lady Warriors at Lady Jet Spi­kers, pero ang mananalo sa kanila ang arangkada na sa semifinals kasama ang Cool Smashers.

“Dahan-dahan lang pag-akyat, kailangan natin manalo para makapasok, nothing kami last conference,” ani Air Force coach Jasper Jimenez.