Isang shabu pusher na kabilang sa drug watchlist ang napatay sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion, Baliwag, Bulacan kamakalawa.
Kinilala ni P/Supt. Froilan Uy, Baliwag police chief, ang napatay na suspek na si Nico Erepse alias ‘Rudy’ bunga ng tama ng bala sa katawan habang nakatakas naman ang kasamahan nito.
Bandang alas-kuwatro ng madaling-araw nang maganap ang engkuwentro matapos makahalata ang suspek na mga awtoridad ang ka-transaksyon kaya bumunot ito ng baril at paputukan ang poseur buyer kaya napilitang gumanti ng putok ang awtoridad hanggang sa mapatay ang suspek.
Nakuha sa kanyang pag-iingat ang limang pakete ng shabu, isang kalibre .38 at marked money.