Balkman, Mighty kinabog ang Korea

Balkman, Mighty kinabog ang Korea

Nabitawan ng Mighty Sports Apparel-Go For Gold Philippines ang 15-point second quarter lead bago tinarak ang 89-82 victory kontra South Korea Martes ng gabi sa 41st William Jones Cup 2019 sa Changhu­a County Gym sa Taiwan.

Sumandal ang Mighty Sports sa magandang ball movement at outside shooting upang maging solo koponan na wala pang talo sa torneo pagkatapos ng limang laban.

Inako ni Renaldo Balkman ang opensiba ng Pilipinas sa pagkamada ng 19 points at eight rebounds, sahog ng 17 markers ni Zach Graham.

Otomatikong tatanghaling kampeon ang may pinakamagandang record na koponan sa 9-team, 10-day cagefest. Lagpak ang SoKor sa 4-1.

May dalawang araw na pahinga ang Mighty bago harapin sa Biyernes ang Indonesia, habang huling asignatura ang Taiwan-B sa darating na Linggo.

Namuno naman sa mga Koreano ang naturalized big man na si Guna Ra, (kilala ring Ricardo Ratliffe), sa 24 points at 20 rebounds katuwang si Junyong Choi na may 14.

Ang iskor:

MIGHTY SPORTS 89 — Balkman 19, Moore 17, Graham 16, Phelps 14, Gray 7, Ndiaye 6, Williams 5, Adams 3, Brickman 2.

SOUTH KOREA 82 — Ratliffe 24, J.Y. Choi 14, D.S. Lee 11, J.Y. Lee 11, Heo 9, S.H. Lee 5, S.Y. Kim 4, J.K. Kim 4, Song 0.

Quarters: 23-21; 51-38; 60-66; 89-82. (A­ivan U. Episcope)