Balkman naglagablab pata sa Alab

Sunod na laro sa Baliuag Star Arena

8:00 pm Alab Pilipinas vs Mono Vampire

Trumabaho si Reynaldo Balkman ng 21 points, six rebounds at four assists upang galamayin ang Alab Pilipinas sa pagsubsob sa Singapore Slingers 82-69, sa Asean Basketball League elims sa OCBC Arena sa Singapre kahapon.

Sinandalan ng Alab 29-16 atake sa ikatlong yugto upang dumeretso sa panlimang sunod na pananaig tungo sa pangkalahatang barahang 8-4.

Sumaklolo kay Balkman ang kapwa niya world import na si Justin Brownlee na lumaklak ng 16 pts., 10 rebs. at 4 asts. para hindi matinag ang Philippine quintet sa fourth spot.

May mahalagang ayuda rin si Bobby Ray Parks, Jr. na 16 puntos, 2-rebound at 4-assist habang bumambo si Joshua Urbiztondo ng 17-pt., 8-reb. at 2-asst.

Huling tinalo ng Alab Pilipinas sa overtime ang pumapangalawang Chong Son Kung Fu (7-2) noong Miyerkules sa Sta. Rosa City, Laguna.

Hindi rin natinag ang Singaporeans sa panlimang puwesto kahit natikman ang pampitong talo sa 14 na sabak.