Inihahanda na para ila­gay sa isang exhibit­ ang mga labi ng balye­nang natagpuan sa karagatan ng Compostela Valley at nadiskubreng mayroong 40 kilo ng iba’t ibang plastic na basura sa loob ng tiyan nito.

Ito ang pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources­ (BFAR), kasabay ng paghikayat sa lahat na suportahan ang programa ng ahensiya tungkol sa pangangalaga sa karagatan.

“Following this incident, we urge the general public and all concerned government entities to support the Malinis at Masaganang Karagatan, a holistic program of the DA-BFAR, which would ensure that our seas and oceans are free of plastics and other harmful pollutants,” ayon sa ahensiya na nasa ilalim ng Department of Agriculture.

Batay sa resulta ng isinagawang necropsy sa balyena, ang malaking bilang ng nalulon na plastic ang dahilan ng pagkamatay ng balyena. (PNA)