Plano ng isang senador na hilingin sa pamahalaan na linawin ang direksiyon na balak tahakin nito pagdating sa foreign policy, bunsod na rin ng magkakaibang ­pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, maghahain siya ng resolusyon upang li­nawin ang isyu upang hindi makompromiso ang pambansang interes ng Pilipinas.

“Kailangan natin ma­laman kung ano ba ­talaga ang foreign policy ng administrasyon, particularly with regard to the US,” wika ni Sen. Aquino.

Nakita ni Sen. Aquino­ na kailangan ng paglilinaw matapos sabihin ni Pangulong­ Duterte sa kanyang talumpati noong Setyembre 12 na kailangan nang umalis ng tropang Amerikano sa Mindanao.

Taliwas naman dito, iginiit ni presidential spokesman Ernesto Abella na ang pahayag ni Pa­ngulong Duterte ay hindi opisyal na polisiya at mananatili ang sundalong Amerikano sa Mindanao.

Noong Setyembre­ 13, inihayag naman ni ­Pa­ngulong­ Duterte na hindi na sasali ang ­Pilipinas sa pinagsanib na maritime patrols kasama ang US upang maiwasan ang karahasan.

Ngunit noong ika-15 ng Setyembre, napaulat na sinabi ni Department of Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na tuloy ang joint patrol kasama ang US dahil ito’y pangako natin sa mga Amerikano.

Nabanggit din ni ­Pa­ngulong­ Duterte na plano ng bansa na bumili ng mga gamit ng mili­tar mula Russia at China.

Agad naman itong nilinaw ni Abella sa pagsasabing tutuparin ng ­Pilipinas ang anumang kasunduan nito sa ­Estados Unidos.

“Given recent conflicting statements from the President and govern­ment representatives, there is a need to clarify government’s approach to foreign relations and ensure a clear and coherent foreign policy towards ensuring our national interest,” wika ni Sen. Aquino.

3 Responses

  1. SA ISANG BANDA, NAKAKAAWA RING ITONG MGA ALIPORES NG PANGULO, KALIWA’T KANAN ANG GINAGAWANG PAGTATAKIT SA BULOK NA MGA SALITANG BINIBITAWAN. WALA LANG SILANG MAGAWA AT MAWAWALAN SILA NG TRABAHO. KAWAWA ANG MGA LOKO.