Sa Walong kandidato ng oposisyon, tanging si Senador Bam Aquino ang pumasok sa Magic 12 sa pinakahuling survey ng Pulse Asia at tatlo pang major polls.

Sa pinakahuling Pulse Asia Survey, nasa ika-10 hanggang 14 na spot si Aquino habang nasa ika-5 hanggang 11 spots sa #PAHAYAGNationwide poll ng Publicus Asia na isinagawa noong April 21-22 at nasa ika-9 hanggang 11 spots ng Laylo at na sa ika-pito hanggang 13 spot ng TNS polls.

“Nagpapasalamat po ako dahil dumarami ang naniniwala, nakikiisa at tumutugon. Salamat po mga mga matatapang at matitiyagang tumutulong sa atin na laging buo ang loob at walang pagod,” saad ni Aquino.

“Itong buong kampanya, idinulog ko po sa ating mga kababayan ang mga tinrabaho natin sa Senado tulad ng pagsasabatas ng Libreng Kolehiyo at ibinahagi ang mga dapat pang gawin para maka­tulong sa mga nangangailangan,” dagdag ng senador.

Nanguna sa April 10-14 survey ng Pulse Asia sina Senador Cynthia Villar at Grace Poe. (Dang Samson-Garcia)