Bambino Festival sa Pasig City dinagsa

Umabot sa 6,000 katao mula sa 30 mga barangay sa Pasig City ang nakiisa sa pagdi­riwang ng bansa ang Sto. Niño sa grand parade ng Bambino (isang sanggol o bata) Festival – sariling bersyon ng pagpaparangal sa Batang Jesus.

Ang ika-19 na Bambino Festival, ay bilang paggalang sa batang si Jesucristo, ay pinakadakilang pagdiriwang sa kultura ng Lungsod ng Pasig. Kasama ito sa kalendaryo ng mga aktibidad ng Department of Tourism (DOT).

Lahat ng 30 barangays sa lungsod ay nakibahagi, ipinakita ang kanilang mga magagandang float na nagdadala ng iba’t ibang mga imahe ng Sto. Niño.

Mayroon din silang mga cultural dancer na nakasuot ng itim at berde na may mga headdress, tulad ng sa Cebu City.

Pinagsasama umano ng Bambino Festival ang mga residente ng Pasig bilang isang malaking maligayang pamilya na nagpapasalamat sa Diyos sa lahat ng mga biyayang ibinigay niya sa Kanyang mga tao.

Sa panahon ng kaganapan, binigyan ni Pasig City Mayor Vico Sotto ng mga kandila at tsokolate ang mga deboto habang ang kanilang mga float ay dumaan sa entablado.

Mayroon ding mga residente na nagbigay ng mga kandila sa mga bata na sumali sa parada. (Mina Aquino)