Bambol: Gold tayo kung tuloy ang 2020 Olympics

Nanghihinayang si Philippine Olympic Committee president Abraham ‘Bambol’ Tolentino kung hindi matutuloy ang 32nd Summer Olympic Games 2021.

Ito’y dahil malaki aniya ang tsansa nina pole vaultyer Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Irish Magno at Eumir Felix Marcial na makasikwat ang mailap na unang Olympic gold ng mga Pinoy buhat pa noong 1924.

“This might be our Olympic year. Sayang ‘yung pagkakataon, nandito na ‘yung possible first gold medal natin,” hayag ni Tolentino kahapon.

Pero para sa opisyal, dapat paghandaang mabuti ang paglipat ng petsa ng pagdarausan ng quadrennial sportfest dahil mapanganib pa ang sitwasyon na dulot ng Covi-19.

“Hindi pa alam ang guidelines doon, may waiver ba or what,” panapos na sambit ni Tolentino.

Nakatakda sanang ikasa ang Tokyo Olympics sa darating na Hulyo 24-Agosto 9 bago naiurong sa Hulyo 2021. (Elech Dawa)