Banat kay De Lima sinalag ni Drilon

Pinalagan ni Senador Franklin Drilon ang hirit ni Senador Alan Cayetano na pagpapa-inhibit kay Senador Leila de Lima mula sa ginagawang imbestigasyon kaugnay sa sinasabing extrajudicial killings.

Giit ni Drilon, sa dalawang araw na ginawang im­bestigasyon ng Senate Committee on Justice na pinamumunuan ni De Lima ay wala naman umano siyang nakitang bias ito tulad ng naging alegasyon ni Cayetano.

Una nang inakusahan ni Cayetano si De Lima na bias at tila may panghuhusga na sa ginagawang imbestigasyon ng kanyang komite sa sinasabing extrajudicial killings.

Paglilinaw pa ni Drilon, hindi naman court of law ang komite ng Senado kung kaya’t hindi kailangan ma­ging istrikto o mahigpit sa pagpapairal na neutrality.

Dahil dito, wala umanong nakitang dahilan si ­Drilon upang mag-inhibit ang kanyang kapartidong si De Lima.