Banat okay lang basta’t may basehan — Palasyo

Banat okay lang basta’t may basehan — Palasyo

Tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang anumang kritisismo basta’t may basehan ayon kay presidential spokesman Salvador Panelo.

Reaksyon ito ni Malacañang sa pinakahuling resulta ng Social Weather Stations (SWS) na nagpapakita na 59 porsiyento ng mga adult Filipinos ay naniniwala na buhay ang freedom of speech sa ilalim ng Duterte administration.

“The survey results once again are a repudiation of the vociferous and unrelenting tirade of the critics and detractors of the President, as well as the opposition, that the freedoms of speech and of expression are being curtailed by the Administration. The survey rating means we have a vibrant and robust exercise of those freedoms,” sabi ni Panelo.

“The President respects criticisms as long as the same is not baseless, unfounded or false. He even urges the people, including writers and reporters, to freely express whatever sentiments they have,” dagdag nito.
Ikinagulat naman nito ang ang lumabas sa SWS poll na 51 percent ng mga Pinoy ay naniniwalang mapanganib na magsalita nang anumang laban sa gobyerno.

“We are curious as to why this could be so. Undeniably, dissent against this Administration and its policies is loud and not curtailed. Statements of disagreement, objection or protest vis-à-vis the government are unceasing and widespread in all channels of media, including those in social media platforms reaching the global audience,” sabi ni Panelo.

Kaugnay nito, hinimok ng chief presidential legal counsel ang mga Pinoy na malayang isiwalat ang anumang saloobin kaugnay ng mga polisiya ng gobyerno. (Prince Golez)