Bandola pinaupo sa trono ang NU

Walang hirap na pinagulong ng National University ang Far Eas­tern University-Diliman, 25-21, 25-22, 25-21, upang ibalik sa kanilang bakuran ang boys’ championship sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament noong Miyerkoles ng hapon sa FilOil Flying V Centre.

Winalis ng Bullpups ang best-of-three series upang sikwatin ang pa­ngatlong titulo sa huling apat na taon.

Napilitan si Mac Arvin Bandola na depensahan ang net kaya nakapagtala siya ng siyam sa 13 blocks ng NU.

Tumikada si Bandola ng 19 markers habang nilista ni Jomar Ocampo ang tatlong blocks para sa 13 points sa final game niya para sa Bullpups.

Nirehistro ni Jose Magdalino Javelona ang 14 pts., 12 receptions at nine digs para sa Baby Tamaraws na dalawang sunod na taon ng runners-up.

Hinirang si Javelona na season MVP at 1st Best Outside Spiker.