Bangag na erpat pinagsasaksak ang 4-anyos na anak

Tinarakan

Hinihinalang lango sa droga kaya pinagsasaksak ng isang ama ang kanyang 4-anyos na anak sa Bacoor City, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Bacoor District Hospital ang biktimang si “Vina”, kindergarten student, habang arestado naman ang suspek na si Laurito Labarador, 29-anyos, construction worker at kapwa residente ng Nazareth Compound, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Christian Jovita ng Bacoor City Police Station, dakong alas-11:30 Lunes ng umaga nang arestuhin ang suspek dahil sa pananakit at pananaksak nito sa sariling anak.

Ayon kay Jovita, hindi umano akalain ng suspek na anak niya ang kanyang sinasaktan at dahil sa patuloy na pag-iyak ng bata ay kumuha ng kutsilyo at sinaksak pa ito sa ulo at iba pang bahagi ng katawan.

llang kapitbahay ang sumaklolo sa bata at isinugod ito sa ospital, na ngayon ay pinalad na nasa ligtas nang kalagayan.

Sinasabing lango sa droga ang suspek nang pagsasaksakin nito ang kanyang anak.

Narekober sa suspek ang kutsilyo na ginamit sa pananaksak at tinatayang .43 gramo ng shabu na may street value na P2,924.

Nabatid na ang suspek ay may nakabinbing kaso at dati nang