Nagdulot ng ­tensyon ang halos ­dalawang oras na hostage ­drama makaraang bihagin ng 27-anyos na lalaki na sabog umano sa iligal na droga ang sariling tiyuhin nito sa Quezon City, kahapon ng mada­ling-araw.

Ayon kay QCPD Director Chief/Supt. Guil­lermo Lorenzo Eleazar, nakilala ang naarestong suspek na si Juren Capala Amego, jobless, tubong Dolores, Eastern Samar, at naninirahan sa 72-Insu­rance St., Brgy. Sangandaan St., Brgy. Project 8, ng nasabing lungsod.

Agad naman isinugod sa Quezon City Gene­ral Hospital (QCGH) sanhi ng tinamong minor stab wounds sa katawan ang biktima na si Jerry ­Pisngot y Placiente, 55, ng nasabi ring tirahan.

Ayon kay Eleazar, nangyari ang pangho-hostage dakong alas-singko ng madaling-araw sa harapan ng isang saradong sanglaan sa Muñoz Market, Dangay St., corner Roosevelt Ave., Vete­rans Village, Project 7, Quezon City.

Parang wala umano sa sarili ang suspek na armado ng dalawang patalim at binihag ang kanyang tiyuhin.

Habang bihag at nakatutok ang patalim sa leeg ng biktima ay tuma­tawa at sigaw ­umano nang sigaw ang suspek, subalit wala namang hinihiling.

Dahil dito, ilang residente ang humingi na ng tulong sa pulisya.

Ayon kay Eleazar ­hindi umano malinaw kung ano ang motibo sa pang­ho-hostage subalit kapansin-pansin na wala sa matinong pag-iisip ang suspek.

Hanggang sa umamin umano ito na gumagamit siya ng bawal na droga bago ang insidente.