December 2002
Nagkaroon ng soft opening ang Forever Flawless sa isang sikat na mall. Kinuha ding endorser ang noon ay aktres at TV host na si Rosanna Roces kapalit ang 2,500 na shares sa kompanya.
2003
Ibinenta ni Roces ang shares nito sa Forever Flawless sa halagang P1.5 milyon sa kondisyon na hindi ito magbibigay ng anumang pahayag na makasisira sa kompanya. Sa bawat paglabag dito ay papatawan siya ng P1 milyong multa.
April 2004
Sa tatlong magkakasunod na episode sa ‘The Buzz’ nag-guest si Roces na isiniwalat na nagkaroon ng maling procedure sa liposuction sa kanya ni Dr. Vicki Belo at mayroon pa umanong mga kostumer ang Forever Flawless na nasunog ang balat.
Kasunod nito ang pagsasampa ng kaso ni Belo laban kay Roces.
August 31, 2010
Kinasuhan si Roses ng Quezon City Regional Trial Court dahil sa mga malisyosong pahayag laban sa kompanya.
Hunyo 6, 2018
Pinagbayad ng Court of Appeals si Roces ng P3.1 milyon bilang damage sa Forever Flawless Face and Body Center.
Enero 18, 2019
Ibinasura ng korte ang mosyon ni Roces para ikonsidera anng naunang desisyon noong Hunyo, 2018 dahil walang bagong ebedinsya ang na ipinakita ang kampo ni Roces.